KARANIWAN AT DI-KARANIWANG AYOS NG PANGUNGUSAP

Standard

                           “Emma, Thyna. Saan kayo galing?” tanong ni Mara.

BASAHIN AT UNUWAIN:

“Bakit nakasakay kayo sa dyip kanina?”

                           “Marami bang makikita roon?” tanong ni Mara. “Balita sa sipag at tipid ang mga Ilokano.”

                           “Oo masisipag nga sila. Sila rin ay matitipid. Ang mga tinda nila ay tela at damit na habing Ilokano. May kumot, tuwalya, punda, serbilyeta, bag, at iba pa. Ang gaganda at mukhang matitibay,” paliwanag ni Thina.

                            “Naroon din ang larawan ng mga bayani nila tulad nina Diego Silang. May malaki ring larawan doon sina Pangulong Quirino at pati ang magkapatid na Antonio at Juan Luna. Marami palang dakilang bayani ang Ilocandia.”

                             “Huwag mo nang ikuwento. Pupuntahan ko rin iyon,” ani Mara.

                              “O, sige. Kami naman ang pupunta sa pinuntahan mo,” sagot ni Emma.

>SAGUTIN ANG BAWAT TANONG<

  1. Anong pagdiriwang ang tinatalakay sa paksa?
  2. Saang bahay-tindahan pupunta sina Emma?
  3. Bakit masasabing masisipag at matitipid ang mga Ilokano?

 

*>TANDAAN<*

                        KARANIWANG AYOSang ayos ng pangungusap kung nauuna ang pang-uri sa simuno.

                                               HALIMBAWA: Masayahin ang mga Pilipino

                        DI-KARANIWANG AYOS- ang ayos ay may ay na nag-uugnay sa simuno at pang-uri.

                                               HALIMBAWA: Ang mga Pilipino ay masayahin

HASAIN ANG KAALAMAN:

  • Isulat ang tamang sagot kung KARANIWAN o DI KARANIWAN ang ayos ng pangungusap:

 

  1. Unahin natin ang Salok- Ilokano.
  2. Titingin lang muna tayo.
  3. Sila ay masisipag.
  4. Ang mga tinda nila ay matitibay.
  5. Pupuntahan ko rin ang tindahang-Ilokano.
  6. Matitingkad ng kulay ng mga kumot-Ilokano.
  7. Tubong Ilocos ang mga bayani sa larawan.
  8. Kasama sa Gomurza si Pedre Jose Burgos.
  9. Sa digmaan nagpakita ng tapang si Gabriela Silang.
  10. Ako ay nangangarap na makarating sa Ilocos.

 

PAYAK, TAMBALAN, O HUGNAYAN

Standard

 PANUTO: Suriin ang tula;

LUBI-LUBI

Enero, Pebro, Marso, Abril, Mayo

Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre

Oktubre, Nobyembre, Disyembre

Lubi-lubi

 

Kun dai si Abaniko

Patay na ining lawas ko

Lawas ko ay,ay, madidismayo

Kun dai si abaniko

     Ang sampung pares ng dalaga’t binata ay gumagawa ng isang malakaing bilog. Sa gitna nng bilog ay may isang pareha. Sumasayaw sila at pumapasok naman ang iba. Kapag tapos na ang pareha, kumukuha sila ng ibang pareha. Isinusuot nila sa bagong pareha ang kanilang suot na sambalilo. Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw. Patuloy ang saywa hanggang sa lahat ng pareha ay makapunta sa gitna. Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.

                   “Masayahin pala ang mga Bikolano, ano?” sabi ni Ema

                   “Masasaya at masisipag sila,” sagot ni Tina. “Tingnan mo ang mga paninda nila. Yari sa Abaka ang mga tsinelas, bag, lubid, sinturon, placemat, kulambo, at kurtina.”

                    “Alam mo kung anong ibig ko?” ani Tina. “Bibili ako ng matamis na pili.”

                    “Ako rin,” sagot ni Ema.

SAGUTIN ANG TANUNG: (5points ang bawat isa)

  1. Bakit masasabing masayahin ang mga Bikolano?
  2. Paano patutunayang masisipag din sila?
  3. ano ang sinasabi ng awit?

 

    >TANDAAN<

  • Ang pangungusap ay maaaring PATUROL, PAUTOS, PATANONG, at PADAMDAM. Ayon naman sa kayarian, ang pangungusap ay maaring PAYAK, TAMBALAN, o HUGNAYAN.
  • Ang PAYAK na pangungusap ay nakapag-iisa. Malayang sugnay ito na may simuno at panag-uri. Maaaring dalawa ang simuno o panag-uri ngunit iisa pa ring ang diwa ng pangungusap. Payak pa rin ito.
  • Ang TAMBALANG pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit, at o, ang pag-uugnay sa dalwang payak na pangungusap.

*Ginagamit ang >at< kung magkasimpantay o magkasing-halaga ang mga ideya ng dalawang malayang sugnay.

Hal. Umaawit ang mga dalaga’t binata at sumasayaw sila ng Lubi-lubi.

*Ginagamit naman ang ngunit kung magkasalungat o di parihas ang ideya.

Hal. Mahilig sa pagsasaya ang mga Bikolano ngunit may panahon sin sila sa kanilang gawain.

*Ginagamit naman ang o kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang nakalahad.

Hal. Sasayaw ka ba o aawit ng Lubi-lubi?

  • Ang HUGNAYANG pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-nakapag-iisa. Ginagamit na pang-ugnay ng mga sugnay ang mga pangatnig na kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa, sapagkat.

Hal. Magbabakasyon ako sa Baguio kung sasama ka.

Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.

 

>Sabihin kung PAYAK, TAMBALAN, o HUGNAYAN ang sumusunod na mga pangungusap:

  1. Ang sampung pares ng dalaga’t binata ay gumagawa ng malaking bilog.
  2. Sumasayaw sila at pumapalakpak naman ang iba kapag natapos na ang isang pangkat.
  3. Isinusuot nila sa gitna ng bilog ang bagong pareha ang kanilang suot na sambalilo.
  4. Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw.
  5. Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.

Idyoma

Standard

Layunin:

1. Naibibigay ang kahulugan ng idyoma.

2. Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng idyoma.

3. Nagagamit sa pangungusap ang halimbawa ng idyoma.

4. Nakagagawa ng maikling talata gamit ang mga halimbawa ng idyoma.

 

Idyoma -isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.


Halimbawa:

  1. butas ang bulsa – walang pera – Palagi na lang butas ang bulsa mo dahil palagi kang nagsusugal.
  2. ilaw ng tahanan – ina – Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.
  3. alog na ang baba – matanda na – Kayo ay alog na ang baba para magbuhat ng mabigat.
  4. alimuom – baho – Ang alimuom naman po ninyo.
  5. bahag ang buntot – duwag – Bakit ba bahag ang buntot mo?
  6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) – tandaan – Ikurus mo na sa noo mo, akong bahala sa iyo.
  7. bukas ang palad – matulungin -Napakabukas-palad mo.
  8. kapilas ng buhay – asawa – Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.
  9. nagbibilang ng poste – walang trabaho – Bakit ba siya nagbibilang ng poste?
  10. basag ang pula – luko-luko- Napaka basag ng pula mo.

 

Maraming Salamat sa pagbabasa!!!!

 

Munting Pagsusulit:

1. Ano ang kahulugan ng idyoma?

2. Magbigay ng mga halimbawa ng idyoma.

3. Gamitin sa pangungusap ang mga halimbawa ng idyoma.

4. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng idyoma?

5. Gumawa ng isang maikling talata gamit ang idyoma.

Read the rest of this entry

Pangngalan

Standard

Layunin:

Naibibigay ang kahulugan ng pangngalan.

Natutukoy ang uri nito.

Nakapagbibigay ng mga halimbawa gamit ang dalawang uri nito.

 

Pangngalan

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita natumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lunan ng pangyayari.

Mga halimbawa:

Tao:

lalaki

Bagay:

iphone

Hayop:

kalabaw

Pook:

Pinamalayan

Pangyayari:

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

 

Dalawang uri ng Pangngalan

1. Pantangi

Ang pangngalang pantangi ay ngalan ng tao, bagay, pook, o lunan at pangyayari.

Halimbawa:

Tao- Kennedy

Bagay- Bahay

Hayop- Tamaraw

Pook- Australia

Pangyayari- EDSA 1

2. Pambalana

Ang pangngalang pambalana ay ngalan ng pangkalahatang tao, bagay, hayop, pook, o lunan at pangyayari.

Halimbawa

Tao- titser

Bagay- payong

Hayop- pusa

Pook- parke

Pangyayari- sayawan

Salamat sa Inyong pagbabasa!!!

 

Munting pagsusulit:

1. Anu ang Pangngalan?

2. Magbigay ng halimbawa ng mga pangngalan maliban sa mga nabanggit.

3. Gumawa ng mga pangungusap na ginagamitan ng pangngalan.

4.  Magbigay ng halimbawa ng pangngalang pambalana at pantangi.

5. Ibigay ang pagkakaiba ng pangngalang pantangi at pambalana.